02.11.15. 8:01am

11 Feb

Gusto ko mag UP Fair, mag Maginhawa, manood ng sine, mag-aral mag bike, kumain ng hainanese chicken, sumubok ng bagong resto, pumunta sa di ko pa napupuntahan, hatiin ang weekend with family, gf and friends, pati ang magkaron ng me time… sa beach.

Gusto ko ng sun, sand, sea combo hanggang gabi, para sand, sea, stars combo na. Gusto ko mag snorkeling buong umaga, pagkatapos kakain ng seafood buffet sa tanghali. Gusto ko tumambay sa sand sa hapon, habang nagbabasa ng libro. Gusto ko mag-emote habang umiinom sa gabi, habang nag-iisip, habang nao-overwhelm sa laki ng Universe at sa what lies ahead.

Pero traffic kasi this weekend dahil V-day. Busy mga tao. Mahirap magplano.

So ano, i-delay ko muna B-day ko ganon? Mukhang ganon na nga.
_
_
_
_
_

Nung bata ako, hanggang high school, laging may party pag bday ko. Si Mama nag-aayos ng handa. Nung college ako, tuwing bday ko nasa ibang lugar ako. Ako nag-aayos sa travel itinerary.

Ngayon, walang maplano. Di ko ma-align yun gusto ko. Tapos Vday daw kasi. First time ko makitang hadlang ang Valentine’s sa birthday ko. For the past 25years, hindi naman. Palala nga naman kasi ang traffic. And ewan ko ba.

I can tell myself it’s the company that makes birthdays happy, but I know I want something more. I kind of envisioned 02. 15. 2015. to be special. But then again, a vision, not a reality.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: